Marami ang hindi nakakaalam ng series na to. Pero madami ding may gusto nito.
Yung kapatid kong si Egon ang totoong ang nakita kong unang pinapanood to. Tpos biglang yung isa kung kapatid na si Nika nakinuod din kay Egon. Nung una hindi ko sila pinapansin nung nanunuod sila ng How I Met Your Mother, eh kaso bigla akong nainggit sa kanila, kasi tuwing nanunuod sila nito. Sobrang tawa sila ng tawa. So nagtry ako manuod ng isang episode nito. At wow, nagenjoy nga ako ng sobra. I love it. Ang gansa pala. Sabi nga ng isang supervisor sa office namen na si John Cueto -“It is better than friends.” Maganda talaga siya, kasi it is so realistic. Ang kwento niya ay tungkol sa isang lalaki na nagkwekwento sa mga anak niya ng mga naexperience niya nung binata pa siya sa Newyork kasama ng mga kaibigan niya bago niya nakilala ang mapapang-asawa niya.
Maganda siya kasi madami kang matututunan na pwede mong maiapply in real life. Ang gaganda ng mga punchline don. Talagang may tatak yung mga punchlines nila. At pag tumawa din yung mga characters don parang totoong natawa sila. Wehehehehehe… Parang hindi sila scripted.
Sa How I met you Mother. Apat silang magkakaibigan… Si Ted. Barney, Robin, Marshall and Lily.
I love the 4 of them. May kanya-kanya silang character at talagang napoportray nila ng maayos yung character nila. 🙂
Ted Mosby
Ang bida ng story na to syempre. Siya ang nagkekwento sa 2 anak niya, kung pano niya nameet ang nanay nila. Ang nagportray ng character na to ay si Josh Radnor. Isa siyang architect and later on naging professor siya. In the story he is always searching for “THE ONE.” Pero ang dami-dami ng babae ang akala niya yun na ang papakasalan niya and it always end up na hindi naman pala kasi at the end of the day hindi pala sila compatible nung mga yun. Don sa story una siyang nagkagusto kay Robin. Nalove at first sight siya don. Pero friends lang ang tingin sa kanya ni Robin sa simula. Then later on naging sila ni Robin. Pero narealize nila pareho na magkaiba sila ng gusto. Kasi si Robin, gusto ng adventure at ayaw niya pa mag settle-down.
Define in search talaga si Ted na matagpuan na niya ang soulmate nia. What I like about Ted Mosby’s character is he is very determined. Talagang napakapositive talaga ng outlook niya sa buhay at di siya nawawalan ng pag-asa na makita ang the one.
What I don’t like about him is that he is to serious sometimes. Minsan parang ang KJ nia. hehehehehe.. Minsan din feeling ko kasi para siyang nagmamarunong (although he is very knowleadgable naman talaga). Mahilig kasi siya magkwento about any architect facts na di naman interesado ang mga kaibigan niya, that is why its good na he became a professor. hehehehehe.. Actually sa 5 na magkakaibigan kahit siya ang bida, he is the one that i least like. (Sorry…)
Barney Stinson
Ang wingman ni Ted Mosby. Actually, tinutulungan niya si Ted para makakuha ng date minsan. Dahil feeling niya bestfriend niya si Ted (Kahit na laging sinasabi ni Ted na si Marshall yung bestfriend nia) meron siyang “Bro Code” na laging sinasabi kay Ted. Napakawomanizer nito ni Barney. Meron di siyang book na “Playbook” (strategy para makukuha ng babae). Lahat ng paraan gagawin niya para makapag one night stand sa babae. Ang sabi niya gusto niya matikman ang mga magagandang babae sa NewYork. Hehehehe.. Playboy talaga siya. Hindi talaga siya sumusuko hanggang hindi pumapayag ang mga babae na sumama sa kanya. Magaling din siya magsinungaling at mambola ng babae. Pero nagkaroon din siya ng seryosong relationship kay Robin (Ex ni Ted Mosby) super bagay sana sila kasi pareho silang awesome kaso ng nagtagal nawawala na ang pagiging unique ng pagkatao nila kaya di nagtagal naghiwalay din sila 😦
Nakakatuwa siya kasi ang lakas ng self-confidence nia. Lagi niyang sinasabi na “LEGENDARY” daw ang mga nangyayari sa kanya at syempre pa (Woooooh…) “AWESOME” daw siya.
Ang cool, cool niya despite na babaero siya. Dahil din sa determination niya lahat ng mga gusto niyang subukan nagagawa niya. He is always UP TO THE CHALLENGE. Malaking inspiration siya para saken kasi dahil sa kanya nagkakaroon din ako ng self-confidence. Favorite sports niya ang laser tag.
Ang nagportrayed sa role na to ay si Neil Patrick Harris. Napaka ironic nga lang kasi bading si Neil Patrick Harris sa totoong buhay. And sa story na to napakawomanizer ni Barney. Ang galing-galing niyang umarte na babaero. Hindi ako makapaniwala na bading siya. (Waaaaaah, sayang siya sa tulad kong mga girls. Swerte ng mga gays….)
What I like about Barney is that he is humble. Never siyang nagyabang na mayaman siya at cool siya. Saka talagang down to earth siya kahit na sikat na sikat siya. He is fun loving friend. Hehehehehehe. He is one of my favorite character. 🙂
Marshall Eriksen
Ang bestfriend ni Ted Mosby. Naging ka roommate niya si Ted Mosby nung college. Ang asawa niyang si Lily ay nameet niya din nung college pa siya. Hindi niya inaasahan nung una (nung college pa siya) na si lily ang mapapang-asawa niya. Makikita mo sa story na super attach na attach ang mag-asawa sa isa’t isa. This is a perfect example of a true love. 🙂
Matalinong tao si Marshal.. Isang lawyer si Marshall sa Goliath National Bank. Kaofficemate niya si Barney don. At kung ano-ano ang ginagawa nilang kalokohan ni Barney. Pagnagsama talaga sila nakakatawa. Pero syempre mas evil talaga si Barney, mabait kasi talaga si Marshall. Pero anyway, ang pangarap talaga ni Marshall ay maging isang lawyer for the envirnment. Kasi he wants to save the environment. Hehehehe. Kind-hearted talaga tong si Marshall.
What I love about Marshall so much is he is so childish… Nakakatawa siya. Iyakin siya. Nung sinigawan siya nung boss niya, umiyak siya… hehehehe. Saka mahilig siyang gumawa ng video na nagcoconsist ng mga activities na inatenand niya with his friends na may kasamang kanta na ginawa niya. At habang may ginagawa siya kinakanta niya with a tune kahit ano yung ginagwa niya, at kinakainisan minsan yun ng mga friends niya.
I love Marshall so much because she loves Lily so much. Hindi niya kayang mambabae. Sobrang naguguilty siya. Kahit man lang magfantasize sa iba eh nahihirapan siyang gawin (kailangan muna niyang iimagine na namatay si Lily bago siya magfantasize sa ibang babae) Ganon niya kmahal si Lily.
Ang gumanap sa role ni Marshall ay si Jason Segel na isa din musician at director. Kaya pala talagang nagampanan niya ng mabuti ang role mi Marshall kasi magaling siyang director.
Lily Aldrin
Syempre siya ang asawa ni Marshall (which is his long time boyfriend dati since College) na bestfriend naman ni Robin.
Isa siyang pre-school teacher at nag ambisyon na maging isang magaling na artist. Nakakatawa kasi nung gumawa siya ng mga drawing niya tinary niya ibenta ang mga drawings niya pero walang bumibili. Pero nung muntikan na siyang sumuko nadiscover niya na effective sa mga aso ang ppaintings niya. hehehehehe…
May pagkaevil din ting si Lily kasi ilang beses niyang sinabotahe ang relationship ni Ted dahil alam niya na hindi yun ang babae para kay Ted. Gumagawa siya ng paraan na hindi mo talaga maoobvious kung saan nagkucause ng break-up ni Ted sa mga past relationship ni Ted. Even nug nag break sila Robin and Ted, siya ren ang may dahilan. Hehehehehe.
Cool din to si Lily at game na subukan ang kahit alen. What I like about her is hindi mo maprepredict kung ano ang iniisip niya sa character niya. Hehehehe.. Minsan warm-hearted siya. Minsan may pagkaevil siya. Wehehehehe…
Syempre si Allyson Lee Hannigan ang nagportrayed ng role ni Lily. Si Allyson Hannigan ay bida dati sa movie na American Pie. Yung “band girl”. Kita niyo naman, ibang iba ang ugali ni Lily at nung band girl patunay na magaling talaga siya umarte.
Robin Sherbatsky
Syempre , ang babaeng kinahuhumalingan ng marami si Robin Sherbatsky.
Nalove at first sight sa kanya si Ted Mosby, nung unang kita pa lang ni Ted sa kanya sa bar, sobrang nagandahan na siya. As in… At dahil sa tulong ni Barney (syempre wingman siya ni Ted) nakilala niya si Robin. Una di successful ang papacharming ni Ted kay Robin pero eventually naging sila paren pero naghiwalay din sila dahil di pa ready magcommit si Robin. Naging sila din ni Barney, (nagsimulang magkagusto si Barney kay Robin nung may nangyari sa kanila ng di sinasadya, actually sinekreto ni Barney yun pero nalaman din ni Robin at eventually naging sila, pero naghiwalay din sila sa kanilang pagkakaiba.
Isang newscaster si Robin. Magaling siya at lumaki siya sa Canada. Madalas siyang inaasar ng mga kaibigan iya dahi may pagkaiba ang culture niya sa kanila. Pinalaki siya ng tatay niya na tinatrato siyang parang lalaki, pero nung naghighschool siya nahuli siya ng tatay niya nakikipaghalikan sa kateammate niya sa football and after non naging teen pop sensation siya kilala siya sa kantang “The Mall” nung kabataan niya.
It is funny kasi yung nagportrayed sa kanya na si Cobie Smulders ay taga Canada ren. Isa siyang model sa Canada. (Kaya naman pala maganda eh, kasi MOWDEL nman pala.) Gusto kodin siya kasi ang honest niya kasi sa nararamdaman niya. Syempre dahil din sa hot siya. wehehehehehe…
Maganda talaga ang ‘HOW I MET YOUR MOTHER” makakarelate ng sobra amg mga bachelors at bachelorette sa buhay nilang magkakaibigan… Para nga daw siyang friends pero syempre this is newer the friends kaya iba pa ren ang twist nito noh..
JUST WATCH IT.
IT IS FOR YOU TO KNOW…