Archive for the ‘Uncategorized’ Category

Panaginip ko….

Posted: Oktubre 25, 2010 in Saloobin, Uncategorized

Gusto ko lang ipost ang panaginip ko kahapon baka kasi makalimutan ko na yung panaginip ko balang-araw. Hehehehe… Mabuting nakarecord since wala naman akong diary eh… Saka mas hassle kasi gumawa ng diary, sumasakit ang kamay ko sa kakasulat at naooblige kang magsulat para lang may laman ang diary mo. Hehehehehehe…

Well, ito yung panaginip ko…

2 months na daw akong buntis at saka ko lang nalaman. Nagpanic daw ako na medyo natuwa kasi syempre first baby ko daw. Una, kinakabahan ako na sabihin sa parents ko na buntis ako pero eventually nalaman nila at parang  carry lang naman. Hindi naman sila nagalit kasi alam ko na naman daw yung ginagawa ko. Infact excited pa nga sila. At parang dedma lang. Ako lang daw ang namomoblema…

Then narealize ko na, nagyoyosi pa ren ako. Tapos sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko na itigil yung yosi. Then nanghingi ako ng advise kay Kate Bauza tungkol sa pagsastop magyosi. Natakot daw ako na baka mapaano yung baby ko kasi nagyoyosi pa ako kahit 2 months na akong buntis. Sabi naman niya wala pa namang effect yan at magsimula ka nang magstop magyosi. The n nagstop na ako.

1st break ko yun at syempre niyaya ako ni Edward bumaba. Sabi ko ayoko kasi magkiquit na ako dahil buntis ako, sabi niya samahan ko lang daw siya wag na daw ako magyosi. Edi, syempre sinamahan ko siya. Pero nabadtrip daw ako at nagwala kasi nababahuan ako sa yosi, feeling ko nakakasama daw sa baby. Gait na galit ako sa amoy ng yosi.

At doon, nagising na ako…

Para siyang nightmare. Ano kay ang ibig sabihin nito…

Syempre hindi pa ako ready magkababy although natutuwa akong makakita ng baby at mga buntis… Hehehehehe… Pero financially I am not yet stable and so is Edward. We are just waiting for the perfect time and we do not know when. Hopefully not within this year or next year. Syempe we still had a lot of plan. Or is it a sign for me to quit smoking. I hope yun nga yun!

Outliers (Story of Success)

Posted: Oktubre 6, 2010 in Uncategorized

Syempre no, hindi naman ako talaga nagbabasa ng book. Pero this is interesting since I am a psychology graduate, naamaze ako sa book nato, dahil define inanalize ng mga psychologist ang logic kung bakit naging succesful ang isang tao. Kung dahil lang ba ito sa chance, sipag at kung ano-ano pa. Grabe, pag-iisipin ka talaga. Bago ka talaga maging isang magaling na psychologist kelangan mo talaga maging isang keen observer. (Observer din naman ako, sa tsismis nga lang.. hehehehehe…) Talagang define research talaga to.

Actually di ko natatapos basahin yung book na to, pero gusto ko siyang ipagpatuloy basahin kasi define interesting kasi siya. Mapapaisip ka talaga sa mga bagay-bagay kung bakit nagiging succesful ang mga ibang tao o bakit hindi…

Ano nga ba ang ibig sabihin ng outlier? hehehehe… sabi sa book: something that is situated away from or classified differently fom a main or related body. (Ang lalim no… parang nakakahilo intindihin yung explanation… hahahaha..) Pero dahil syempre binasa ko yung book ng kakaunti ang pagkakaintindi ko ng meaning ng outlier ay: ang pagiging kakaiba mo sa isang grupo. In short “deviant.”  Parang outcast din ang tingin ko sa oulier pero syempre yung outlier in a positive way unlike outcast na may negative na connotation.

Sinasabi dito sa book kung paano naging iba sa lahat ang mga taong naging succesful like Bill Gates, Mozart, etc. kahit na MADAMI naman ang katulad nila na magagaling sa larangan na kung san din sila magaling. Kung paano sila mas naging succesful sa mga taong kalevel lang naman talaga nila. Ang you will find it so amazing on how beautifully Malcolm Gladwell explain it.

Sabi niya sa book na to, ang success daw ay swertehan lang din. Ayon sa rule of Matthew. Minsan maswerte ang tao dahil sa isang opportunity na syempre hindi niya sinasadya. ang simpleng lugar kung san ka lumaki, taon kung kelan ka pinanganak ay maituturing na swerte ren kapag inanalize mo. For example, pinanganak ka sa Newyork, edi maswerte ka na dahil madami ka na agad resources don. Magaling lang talaga mag maximize ng opportunity ang mga taong nagiging successful.  Ginamit nila ngmabuti ang swerteng resources.

Sinasabi din dito na bago maging magaling ang isang tao kailangan sobrang maging matiyaga ka. For example ang Beatles, hindi sila magiging magaling king hindi sila nagpractice o nag gig ng napakadami. Bago ka maging magaling sa isang bagay you have to spend 10,000 hours to do that thing that you are aiming to be good at. Define practice. Dito naapply ang practice makes perfect.

So parang sinasabi na kelangan ng mixture of luck (Dpat may opportunity na dumating sayo) at yung opportunity na yun wag sayangin at gamitin sa magandang paraan at eenhance ang opportunity na yun by spending your time to that opportunity!

Sabi din dito sa book na to na di naman talaga necessarily kailangan mataas ang IQ mo. Kelangan sakto lang ang IQ mo para maging successful ka. Si Einstein nga daw, 130 ang IQ… Oo, mataas ang IQ niya in-fairness pero mas may matataas pa ang IQ sa kanya na umabot ng 200 pero naging tulad ba sila ni Einstein na sikat, HINDI. Kasi di naman nila ginamit ang opportunity nila na pagiging matalino nila sa magandang bagay. Ang nakakaalam lang na matalino sila ay sila at ang kamag-anak nila. At hindi na nakarating yun sa iba…. So ang sinasabi sa book na to basta yung IQ mo ay average you can become successful, hindi lang yung mga matatalino na mataas ang IQ ang kayang maging successful.

(To be cintinue…) ———> I am awed by this book… I miss studying social and behavioral psychology. 😦 Which I could go back to school.)

Tragedy

Posted: Setyembre 12, 2010 in Uncategorized

Papunta ako ng Ge ng biglang nagkwento yung driver na katabi ko kasi don ako umupo sa harap.

May nasagasaan daw sa may 7/11 sa camella. Oh no… Mag-asawa daw yung nasagasaan. Namatay pa yung lalaki. Ang masaklap pa don kakauwi lang galing barko. Seaman kasi. Yung babae naman ooperahan sa may pelvic something . Inisip ko lang napakasakit nman non. Biro mo two weeks pa lang yung lalaki na nagstay dito sa Pilipinas para makasama yung pamilya niya tapos ganon pa yung mangyayari. Yung babae naman ooperahan pa. Hay ang hirap naman ng ganong sitwasyon, tpos 3 pa yung anak nila na batang-bata. Mag-ingat tayo ng mabuti dahil sa isang iglap lang pwedeng kunin satin ang buhay na hiniram lang natin.

Yung nakabangga naaawa din ako. Kasi nastroke daw siya habang nagdadrive. Nangisay daw siya bigla at pagkagising niya nakabangga na siya at sira na yung windshield. Oh my gosh talaga. Tapos syempre siya aako lahat ng gastos kahit na hindi niya naman talaga kasalanan dahil nastroke siya. SIya na yung nagpaburol don sa lalaki. At ang gusto pa ng kamag-anak nung lalaki eh magbigay ng pera at paaralin yung 3 anak hanggang 18 years old. Ang hirap ng ganon, pero kung iisipin mo sa isang pangyayari na hindi niya naman ginusto ang laking responsibilidad ang napasa sa kanya.
Kahit pa sabihing may pera siya, parang buong buhay naman siyang pinarusahan sa pangyayaring hindi niya sinasadya.

Mag-ingat….

Reality really bites.

All we have to do is pray.

Maswerte tayo kaya kung may problema kayo… Isipin niyo na lang ang nangyari sa kanila.