Archive for the ‘Saloobin’ Category

Panaginip ko….

Posted: Oktubre 25, 2010 in Saloobin, Uncategorized

Gusto ko lang ipost ang panaginip ko kahapon baka kasi makalimutan ko na yung panaginip ko balang-araw. Hehehehe… Mabuting nakarecord since wala naman akong diary eh… Saka mas hassle kasi gumawa ng diary, sumasakit ang kamay ko sa kakasulat at naooblige kang magsulat para lang may laman ang diary mo. Hehehehehehe…

Well, ito yung panaginip ko…

2 months na daw akong buntis at saka ko lang nalaman. Nagpanic daw ako na medyo natuwa kasi syempre first baby ko daw. Una, kinakabahan ako na sabihin sa parents ko na buntis ako pero eventually nalaman nila at parang  carry lang naman. Hindi naman sila nagalit kasi alam ko na naman daw yung ginagawa ko. Infact excited pa nga sila. At parang dedma lang. Ako lang daw ang namomoblema…

Then narealize ko na, nagyoyosi pa ren ako. Tapos sinabi ko sa sarili ko na kailangan ko na itigil yung yosi. Then nanghingi ako ng advise kay Kate Bauza tungkol sa pagsastop magyosi. Natakot daw ako na baka mapaano yung baby ko kasi nagyoyosi pa ako kahit 2 months na akong buntis. Sabi naman niya wala pa namang effect yan at magsimula ka nang magstop magyosi. The n nagstop na ako.

1st break ko yun at syempre niyaya ako ni Edward bumaba. Sabi ko ayoko kasi magkiquit na ako dahil buntis ako, sabi niya samahan ko lang daw siya wag na daw ako magyosi. Edi, syempre sinamahan ko siya. Pero nabadtrip daw ako at nagwala kasi nababahuan ako sa yosi, feeling ko nakakasama daw sa baby. Gait na galit ako sa amoy ng yosi.

At doon, nagising na ako…

Para siyang nightmare. Ano kay ang ibig sabihin nito…

Syempre hindi pa ako ready magkababy although natutuwa akong makakita ng baby at mga buntis… Hehehehehe… Pero financially I am not yet stable and so is Edward. We are just waiting for the perfect time and we do not know when. Hopefully not within this year or next year. Syempe we still had a lot of plan. Or is it a sign for me to quit smoking. I hope yun nga yun!

Kung bakit may NAMBABABAE at NANLALAKI

Posted: Setyembre 22, 2010 in Saloobin

Syempre opinion ko lang to noh.

Lahat tayo dito sa mundong to, naghahanap ng may magmamahal sa atin. Lahat tayo dito sa mundong to may feelings. Kahit sino pa man. Babae, lalaki, bakla o tomboy. Lahat tayo, gustong maramdaman ang mapansin, kiligin at syempre mahalin.

May iba forever hindi naranasan ang mainlove. Yung iba naghihintay paren hanggang ngayon. Yung iba parang tumama sa lotto, nainlove lang at iniikot na ang mundo sa kanyang boyfriend /girlfriend. May mga malas, may mga sinwerte. Pero bakit yung ibang lalaki nambabae at yung ibang mga babae nanlalaki (Uy, hindi na bago ang mga nanlalaki noh.) Nagiging palaisipan to saken. Maswerte nga sila kasi natagpuan na nila yung taong nagmamahal sa kanila samantalang yung iba tumadang binata at dalaga na naghihintay paren tapos ganon pa ang gagawin nila. Ganon ba kadali sa kanila gawin yun. 😦

(**Wala akong sama ng loob sa mga taong nakaexperience ng ganitong gawain. Actually, I am trying to see their point in a psychologist’s perspective.)

Una. Let us concentrate first sa mga babae dahil medyo konti pa lang ang babaeng  nagchecheat. Nagchecheat daw ang mga babae dahil feeling nila binabaliwala sila ng original nila. At may problema na, na nangyayari with their relationship with their partner. Yung mga needs nila from their partner ay hindi namemeet whether it is emotional needs or physical needs, (like attention, appreciation, sex, etc.) Samantalang ang lalake, although pwedeng katulad din sa reason ng mga babae eh nangingibabaw ang libog at ego nila na cool, manly at gwapo sila. Minsan kasi dahil sa pambababae dun nasusubukan ang pagkalalaki nila. Yung ibang lalaki kinocompare ang babae sa ulam. Ang original partner daw ang favorite ulam like adobo. At ang ibang ulam ay ang mga iba’t ibang babae. Syempre nakakasawa naman daw kung lagi na lang adobo ang ulam nila diba, kaya syempre paminsan-minsan naghahanap sila ng ibang ulam.  (Just so you know, iba na syempre ang generation ngayon, may mga babae din na gusto eh iba-ibang ulam.) ————> kung totoong ulam lang naman talaga ang pinag-uusapan, ULAM TALAGA HA, ULAM TALAGA, AS IN LITERAL NA ULAM. Nakakasawa nga naman ang iisa at paulit-ulit na ulam kahit favorite ulam mo yun, mas okay ngang magtry ka kahit minsan ng ibang potahe. Alam mo yan. 🙂

Pangalawa. Kapag nagliligawan pa lang, o bagong usbong pa lang ang relationship syempre may kilig o kuryente kang nararamdaman dahil excited ka, dahil sa matinding attraction mo sa partner mo. Iba ang kilig at pag may moment kayo ng partner niyo ay iba ang spark at di ka makatulog sa kakaisip. Actually may scientific reason diyan. Syempre pag bago pa lang naeexcite tayo, at dahil masaya ang feeling natin nagtitrigger magsecrete ng mas madaming endophine ang katawan natin pagnainlove. Ang endophine kasi ang nagpapanormalize at nagpapastabilize ng pakiramdam natin sa katawan pati feelings naten.  At dahil nga super pagsesecrete ng endorphine sa atin syempre ang akala natin pagiging inlove (the “spark”) ay nawawala, dahil nga naging neutral na lang yung feeling natin dahil sa endorphine. Yung ibang tao tinetake yun as a positive feeling dahil iniisip nila na hindi lang basta kilig na lang ang nararamdaman nila (which is the “spark”)  sa partner nila kundi ang pagiging comfortable na niya sa partner niya which is mas malalim na level ng pagmamahal. Pero syempre hindi naman ganon ang nararamdaman ng ibang tao. Ang ibang tao kasi mas hinahanap-hanap ang saya at excitement na nabawasan na dahil sa endorphine. Syempre kapag may tao silang nameet na may KONTING “connection” lang na naexcite sila ng konti dahil may “spark” at iba ang feeling nila na parang kung ano yung unang naramdaman nila dati, inaakala na nilang love yun pero attraction lang talaga yun. And because of the excitement that they want to feel they cheat. And it become a cycle lang sa mga gustong makaranas ng spark ng paulit-ulit. When the spark is gone because of the endorphine hahanap na naman sila ulit ng bagong spark.  Again, this is just my opinion based from what I have learned in my Physiological Psychology class.

Pangatlo, natutunan ko sa psychology class na ang foundation naten sa pagkatao naten ay ang ating pagkabata. Kung ano ang natutunan mo ng pagkabata o nakagawian mong gawin ang magiging basehan ng pagkatao mo. Ang mga bagay na di mo natutunan nung bata (kung baga nastuck ka lang sa mga pangyayari at never mo na experience ang mga bagay na naeexperince ng ibang bata) o kapag ikaw ay nadeprive ay makakaapekto din ng paghulma sa ugali naten. Halimbawa: (Ito ay ayon sa aking professor na nakalimutan ko na kung sino) Kapag ang bata ay di nakaexperience ng pagbebreast milk masyado o dumeretso na agad sa bote na may gatas may tendency itong maging addict sa yosi or madaling maattract sa malaking boobs.

So kaya pwedeng maging dahilan ang mga naexperience ng isang tao sa PAST nung bata pa sila kung bakit nanlalaki o nambabae ang isang tao. Marahil deprive sila sa kalinga ng parents nila at hanggang sa paglaki nadala nila ang paghahanap ng pagaaruga na nadeprive sila. Unconsciously di nila alam na may hinahanap-hanap pala sila at di na tuloy sila makuntento kung ano ang meron sila dahil yung hinahanap nilang kalinga hindi sapat kasi nadeprive sila nung bata. We all want to satisfy our need and ofcourse for those people who are deprive of the love and care from their parents tend to ask for more. (Hindi lahat ng taong nadeprive ay ganito ang ginagawa dahil they seek their attention from other means.)

Well. Ofcourse I do not hate those people who’ve experience this things.

Gusto ko lang majustify kung bakit may nanlalaki at nambabae. Maybe there are still alot of reasons that is not written here. Again, this is just my opinion… Maniwala na lang ang may faith saken. (Take note, pinag-isipan ko to bago ko sinulat).

Chao!

My love Story with Baby

Posted: Setyembre 4, 2010 in Saloobin

My baby and Me

Masayang-masaya ako kasi natagpuan ko na for sure ang taong makakasama ko habang buhay. 100%  sure na ako don. Syempre walang iba kundi si Mark Bautista… Ay hindi pala, Edward Dones pala… hehehehe… kamukha niya kasi si Mark Bautista pati naren si Gardo Versoza (Wow, machete..) Waaah…  Pati si Nonito Donaire din daw kamukha niya sabi ni Otman.

Siya tama na ang biruan… I’ll tell you OUR LOVE STORY (kinikilig naman ako, naks…)

Actually nagstart ako sa Chevron portfolio account. Nagkaroon ng bad news dahil may malilipat daw either sa Sams or sa Gap. Napili ako “randomnly” so sinabi ko kay Anj na sup ko non na sa Gap na lang ako magpapalista kasi mas madali daw kaysa sa Sams. Pero instead na isa ako sa malipat, yung bagong batch na newbie yung nalipat sa Sams at sa Gap. Edi I thought I will stay forever na sa Chevron, kasi nakahinga na ako. Gusto ko talaga sa Chevron because I am really happy with my my colleagues there.

And after two weeks may bagong batch na daw na ililipat. Bago pa ako magcalls kinausap ako ni Ice sabi niya nakita niya daw yung bagong batch at magkakasama kami. Oh no, parang malilipat na nga ako. at pagkaalis ni Ice naka isang call pa lang at ako pinagAux ako ni Niel (talagang naka abre siete  pa siya saken) at sabi niya may pupuntahan daw kami.  Hinila niya ko na ngiting-ngiti siya, at dinala niya ako kay Stue na wala man lang sinasabi kung bakit.

So kinausap na ako ni Stue ng di ko alam kung bakit niya ko kakausapin. Syempre, bigla akong nagkaidea nung bigla niyang sinabi na “It is not about because of your stats, this decision has been selected randomnly.” Ginulat niya ako nung sinabi niya, na bukas na daw ako ng gabi malilipat sa Sams.  Ang sabi ko lang “Ok.” Nagsink-in lang sa aken pagkauwi ko sa bahay, pagdating ko walang tigil ako sa kakaiyak dahil SUPER AYOKO MALIPAT SA SAMS.

Ayoko sa Sams kasi sabi nila, masasama daw ugali ng mga taga Sams. Mga mayayabang dahil matagal na sila at sila ang unang batch sa GE. Mga maangas dahil feeling nila mas magaling sila sa lahat ng portfolio. Pero syempre mali naman pala. (Sorry fellow Sams’ friends.)

Pero nung first day namin okay naman, mabait naman pala  sila. May nagfloorwalk samen non. Si Maybelle, Joy, Hazel at Edward.

Doon ko naunang nakita si Edward, dahil isa siya sa mga ngafloorwalk sa batch nameng nalipat. Okay naman siya nung nakatabi ko siya kasi swabe siya magcalls. Mabait naman siya kasi lagi siyang nakangiti. Pero atleast kahit tahimik lang ako non kinakausap niya ako… Pinapayuhan niya ako kung anong gagawin at tinuturuan sa process. Hanggang sa naging kateam ko siya. Pero sa malayo ako umuupo kasi kasama ko sila Ice. Tuwing meeting ko lang siya nakikita.

One time nakwento ko kay Joy na nagwawallclimbing ako. At that time niyaya ako ni Joy magjogging at pumayag naman ako na sumama sa kanya. At syempre kasama pala don si Edward dahil at that time he is on a healing process dahil kakabreak niya lang sa Ex nia. Sumama din si Wilt sa pagjajogging so apat kaming nagjajogging every other day, at minsan-minsan nagwowall climbing din kami.. Don tinutukso na ako nina Wilt at Joy kay Edward. Syempre naiilang naman ako kasi nakakahiya naman sa kanya. Inis na inis pa ako non sa kanya kasi sabi ba naman niya sa harap nila Joy at Wilt na pagnakarecover na daw siya sa heartache niya baka pwede, may pag-asa daw ako. Sa isip-isip ko non: “May Pag-asa? Grabe naman tong si Edward, napakafeeling naman niya. Feeling niya may gusto ko sa kanya. At ang kapal ng mukha na sasabihin niya sa harap ko na may pag-asa ako. Wow naman.”  Inis na inis ako nung sinabi niya yun kaya minsan pag nakikita ko siya sa pantry dumederetso lang ako at di ko siya pinapansin, baka kasi lalo niyang isipin na may gusto ako sa kanya. Nakakausap ko lang siya tuwing magjajogging kami at pag una niya akong kinausap.

Ganon pa man, kahit na naiinis ako sa pagkafeeling niya, pag kausap ko naman siya eh, komportable naman ako sa kanya. 🙂 Kaya okay naren. Sweet naman din siya sa akin at mukha naman siyang concern. Feeling ko tuloy may gusto na siya sa akin. (Hahaha, ako naman ang feeling…)

So, don lang kami nakakapagusap pagbago magjogging at pagkatapos magjogging. (Career mode kasi siya tumakbo. Nagsosolo kasi siya tumakbo kasi mabagal kami nila Joy. Ganon pa man, napapansin ko na ren siya dahil ang cute niya magsmile. (Hahaha, nasabi ko din,  woooh…) Saka pagnakikita ko siya masaya ako kasi alam kung magkasundo kami. Pero wala naman akong iniisip na something or anong malisya. Ang alam ko non magiging super kaclose ko siya.

Then after ng mdaming beses namin pagjajogging padating na ang team buildin namen. At that time balak ko ulit lumipat ng Chevron. Kasi sabi ni Anj nagpropose sila kay Stue na imbis na maghire ng bagong agent ang Chevron why not ibalik na lang ang mga agent na ilagay nila sa Sams. If i’m not mistaken, nasa sa amen ang magiging desisyon,  kung majority samen ay gustong bumalik sa Sams edi ibabalik kami. Pero kung wala maghahire na lang sila. Kaya tinanong ako ni Anj, Louise atbp. kung gusto kung bumalik sa Chevron. (At that time kasi sumasama pa ako sa mga gimik ng Chevron friends ko) Sabi ko sa kanila tatapusin ko lang yung team building ko sa Sams, tapos sa next month babalik na ako. Dahil mas gusto ko paren sa Chevron. Kasi kahit na mababait naman ang tao sa Sams mas komportable pa rin ako sa Chevron.

Ganon pa man, naisip ko na sumama pa ren sa team building ng mga taga Sams kasi naisip ko na last na naman na team building ko yun with the portfolio dahil lilipat na ulit ako sa Chevron. Then of course sumama ako sa team buildin sa Batangas. Syempre okay nman ako don kasi andon naman si Ice at Mommy Vangie. Yun ang  mga madalas kausap ko. Nag-inuman don at inaasar na naman ako kay Edward. Eh, ilang na ilang na ako sa kanya at that time kasi baka feeling niya may gusto talaga ako sa kanya.  The next morning nagdecide yung team namen na magswimming, syempre gustong gusto ko talaga magswimming at naaliw ako sa goggles  at syempre ako yung bukod tanging gumamit ng goggles.Nainggit si Edward. Sinundan niya ako. At medyo nagkroon kami ng moment don kasi kaming dlawa lang ang nagaagawan ng goggles. (Kinikilig naman ako.) Syempre napansin yun ng mga ka teammates namen kaya inasar na naman kami.

Bago kami umuwi nagdecide sila magpicturan. And then habang nagpipicturan kami biglang kinulit nila kami na magpapicture kaming dalawa ni Edward. Syempre game naman ako don, kasi picturan lang naman. Pero habang pinipicturan kaming dalawa, hahahaha, biglang nanginig yung bibig ni Edward sa kaba kasi katabi niya ako at nahihiya siya saken. (Wow, iniisip ko nga non, naku baka may gusto na siya saken… hahahaha I’m so feeling!)

Edi nag-uwian na. Akala ko don na matatapos ang lahat… Feeling ko wala lang naman yun. Tapos nung kinahapunan biglang may nagtext saken.. Syempre walang iba kundi si Edward. Sabi nia sa text “Sorry kung nanginginig yung bibig ko ha.” At don nagsimula ang lahat. Hanggang sa niyaya na niya akong lumabas.

Nung unang date namen, di ko alam kung maeexcite ako o kinakabahan. Kasi feeling ko sila Jeff lang at Wilt yung nanloloko saken sa text eh. Pano tawa kasi sila ng tawa nung tinanong nila kung nagtetext ba si Edward saken. So parang nagdadoubt ako pumunta. Pero anyway pumunta paren ako kasi may feeling paren ako na siya talaga yun.

Nung nagkita kami natuwa ako kasi first time lang na may magyaya saken na pumuntang simbahan sa isang date. (Yes, simbahan muna ang pinuntahan namen. 1 pogi points for him kasi bihira lang ako makakita ng taong religious. And yes, he is very religious. Never misses a sunday mass.)

Syempre ilang beses naulit ang labas namin. Dahil don mas nakilala ko siya ng mabuti. Narealize ko na madami pala kaming napapagkasunduan. Hehehehehehe. At finally, naging kami nung MARCH 6, 2009 ng gabi habang nagdedate kami.

Syemre hindi na tinanong ng mga taga Chevron kung gusto ko lumipat kasi alam nilang masaya na ako sa Sams.

It is funny na palipat na ulit ako ng Chevron ng biglang nangyari ang lahat. Until now, I find it so magical. Nagpapasalamat ako dahil “randomnly” napili akong malipat sa Sams. Salamat, dahil ngayon natagpuan ko na ang lalaking makakasama ko habang buhay! 🙂 Lalaking makakaintindi sa pagkabagsik ko pag galit na galit, sa pagtitiis ng kakulitan ko kahit alam kung sobrang naiirita na sa akin. Masasabi kong hindi lahat ng panget na pangyayari sa buhay mo ay walang ibig sabihin. Naniniwala na ako sa quote na “Lahat ng bagay may DAHILAN.” and “EXPECT THE UNEXPECTED.”

I thank God for giving Edward Dones to me.

To BE or NOT to BE?

Posted: Setyembre 3, 2010 in Saloobin

Are you wondering what am I talking about…

This is about my Call Center Life!

Dati napakadali lang ng buhay ko nung core pa lang ako. Walang pressure at stress… Masaya at higit sa lahat pang umaga pa ako. Lagi kong nakukuha ang 5:00 am na shift kasi hindi pa ako stress at mataas pa ang stats ko…  Nakakagimik pa ako at naabutan ko pa ang mall. Masayang-masaya talaga dahil kumpleto pa ang tulog ko. Wow. Heaven talaga. Pag pang umaga ka kasi naku, para kang anak ng Diyos. I love returning back to the morning shift.

Akala ko di ko na pakakawalan ang morning shift at pagiging core. Inisip ko kung may mababago sa trabaho ko, magHR ako o kaya something about events.

But then dahil sa tawag ng pangagailangan….

Sa di inaasahang pagkakataon I had decided last March of 20010  na maging isang

SUPER SALES AGENT

Ang pinakamalaking factor naman kasi kumg bakit ako nag super sales ay PERA!

PER, PERA, PERA, PERA, PERA, PERA…

Minsan tuloy hindi ko alam, kung tama ba ang naging desisyon ko sa bagay na to. Kasi minsan dahil sa pera nagkagulo-gulo, nagaway-away na. And I hate it. Kung hindi lang walang trabaho ang father ko, edi sana nanatili akong core. Mahirap kasing mag-ipon at the same time magbigay monthly  sa family mo. Alam kong ako lang ang inaasahan nila at eto lang solusyon ko para kumita ng malaki. Hindi na tulad ng dai ang buhay namen kasi wala na sa abroad ang father ko. At the same time, nagiipon din ako, syempre tumatanda na ako at kelangan ko rin magtabi for my future. Mas maganda na ang handa sa lahat ng bagay. (Tulad ng pumunta kami sa probinsya nung namatay si Lola, kung di dahil sa savings ko, di kami makakauwi…)

Naisip ko lang kanina, nung dating mas maliit pa yung sweldo ko, MADALAS  ako manuod ng sine, MADALAS ako bumili ng bagong damit, sapatos o accessories, MADALAS akong bumili ng DVDs, MADALAS akong kumain sa labas (Ngayon kahit pagkain sa fastbytes parang isang beses lang o minsan wala pa sa isang buwan). In short, mas madami akong nagagawa nung core pa ako, ngayon dahil sa stress at sa kakaisip ng pera kung paano mo isesegregate di ko na magawa ang dati kung kinkakagawian. At syempre iba na din ngaun bukod sa stress na ko, breadwinner kaming dalawa ng kapatid kong si Nika. But it is okay atleast alam ko naman na ang pagiipon ko ay para sa future ko at natutulungan ko ang pamilya ko.

With my current job as a Super Sales agent, I feel so ugly and very stress. I’m not happy at all. My stats are going down and I am very very disappointed with myself because I set goals for myself and I am not even close in hitting them. Lalo pang nadagdagan because I have nothing to prove my supervisor in any metrics.

I know na ngayon lang siguro ang hirap na to. Dahil nakakstress talaga siya at hindi pa ako sanay. Ayoko namang bumalik ng core kasi I don’t want to quit. Sabi nga nung ka theater ko sa La Salle Dasma (nagquit kasi ako nun sa Teatro Lasallana) “QUITTERS NEVER WIN” and this is true. Madaming tao talaga ang nagstrive para maging successful and to achieve their goal. And they did not do it overnight. Pinaghirapan nila yun.

Kaya syempre I’ve decided to STAY, in SuperSales.

Yes, its more stress…

More worries…

but with it…

I CAN PROVE OTHERS THAT I AM TOUGH.